Automation Abomination
Kinundisyon ko na ang sarili ko na mainit ang panahon at tiyak pawisan ang aking paglalakbay papuntang Novaliches. Hindi kasi ako nakapagpalit ng location kung saan ako makaboboto.
Hindi naman congested ang daloy ng trapiko kahit na nag MRT ako. Kokonti ang mga sasakyan sa EDSA. Madali akong nakahanap ng FX; as in hindi na sya tumigil sa station para magpapuno. Walang gaanong pinagbago ang mga dati ko nang nakikita na buildings, mga bahay.
Along Quirino Highway, may mga development na. Meron nang ginagawang SM Novaliches; about a few meters away from Uniwide. Marami rin akong nakita na mga bagong hospitals. Ganito ba kasakitin ang mga tao dito? Hahahaha!
Bumaba ako sa bayan, lakad nang konti. Sakay ng jeep papuntang San Agustin Public School. Sa entrance pa lang makikita mo na ang pila. As in lahat puro pila; hindi mo alam kung san pupunta.
Hindi ako nahirapang hanapin ang aking prisinto. Nahirapan ako sa pila. Lalu na pag SOBRA haba ng pila! Pinaka ayoko yung may pila na, nakabilad ka pa sa araw. Napaisip tuloy ako kung itutuloy ko pa bang bumoto o umuwi na lang at magpahinga. Kung uuwi ako, makakaligo ako, makakain, makakapagpahinga. Wala pa akong tulog coming from an 11:30PM - 8:30AM shift, was up as early as 7PM. Kung uuwi naman ako, papano yung boto ko? Alam ko kasi pag hindi ka bumoto, may ibang boboto para sa yo. Parang SSS Loan yan, pag hindi mo ginamit, may mangungutang on your behalf; worse, ikaw pati ang magbabayad! Ayoko nga1
So tiniis ko na lang ang isang oras na hindi paggalaw ng pila. From 10AM yun hanggang 11AM. Nakinig na lang ako sa mga chismisan ng mga katabi ko sa pila. Magaling akong magkunwari na hindi nakikinig pero daig ko pa talaga ang may radar. hahaha!
Napansin ko na lang na medyo bumilis na ang pila mga bandang 11:30AM.
Natapos ako 1PM. Panalo di ba?

Comments