Adventure in Makati

Nag lunch kami about 2AM kanina. I was with Joyce, Tita Bheng, and Tita Wella. Napagkasunduan namin na mag lunch sa Jabi sa kanto ng makati ave and ayala since yun ang pinaka malapit. Bukas naman ang Mcdo sa baba pero gusto nila something different kaya Jabi na nga.

Sarado ang Jabi sa makati ave. Di bale, lakad kami sa kabilang kanto sa tabi ng Manila Bank dahil may Jabi din dun. Pero sarado din. Pasok kami sa kabilang kanto at tinahak namin ang kahabaan ng Walkway papuntang Makati Med. Parang lahat ata ng makakainan dun sarado. Pero nakita namin ang Barrio Fiesta, Kitaro, HenLin, pati Starbucks at Chowking sa may Rufino nakita namin - puro sarado nyeta!

Ilang minutes na lang babalik na sila. Si Joyce nagbiro na magpakarga. "kaladkad gusto mo?!", sabi ko. Hala! Hagalpakan ng tawa ang twins!!! Si Joyce kasi nakaladkad ng taxi dahil hinablot yung bag nya. Talagang hindi nya binitawan yung bag nya. Kaya ayun nagkasugat sugat naman yun katawan nya... poor girl :-( pero matagal na yun. Saka ok ang sense of humor nitong si Joyce, abnoy din to. It was not my intention to put meaning into what i've said but yun yung lumabas sa bibig ko. Nag sorry naman ako kay Joyce and they knew that I was just kidding.

Eto pa isa. Habang naglalakad kami pabalik (papuntang Mcdo dahil no choice at gahul na sa oras), ang Joyce nagsalita "tumawid na tayo!". Haller! Mga sampung metro pa ang layo ng intersection na tatawiran namin. Joyce lipad! Hahahaha! Tawanan kami habang tumatawid. Panalo ka talaga Joyce!


Comments

Anonymous said…
Hello. This post is likeable, and your blog is very interesting, congratulations :-). I will add in my blogroll =). If possible gives a last there on my blog, it is about the TV Digital, I hope you enjoy. The address is http://tv-digital-brasil.blogspot.com. A hug.

Popular Posts