To Bora or Bust

Hay. Mukhang magdidire-diretso na naman ang work day ko. Ang tanga tanga mo kasi Ymon, pipili pili ka ng schedule yun pang abnoy na sched ang natripan mo. E sa na-excite akong mag-start nang maaga e. Walang pakialaman. Hehehe!

Di bale naka-leave naman ako for 2 days at nakipag-palit pa ako ng sched. All this for the sake of Bora. Yes Bora here I come!!!

Ang mahal ng plane ticket, 5K plus! Hindi na kasi naiplanong maayos kala ko wala na munang lakad for summer this year. Sana kumuha na lang sila ng ticket sa Cebu Pacific, yung tig piso yung upuan. Naka-kuha kami ng ganung promo last year, mga 3K lang binayaran ko nun. Pero ngayon, medyo tipid-tipid muna sa snacks at baka buhangin na lang sa Boracay ang kainin ko dun. Bwahahaha!

Nakalimutan kong ipundar... digicam. Napansin ko lang tuwing may outing kami, wala man lang akong something to remember na nagpunta nga ako dun. Buti na lang may cam na ang phone ko. This year talaga, i'll get myself a good digicam. Wala na munang mcdo for months....

Comments

Popular Posts